DALAWANG eskuwelahan sa magkahiwalay na collegiate leagues ang nagbuo ng selection committees upang makahanap ng bagong coach para sa susunod na taon.
Lumabas na ang balitang hindi na si Rey Madrid ang coach ng University of the Philippines Fighting Maroons na nangulelat sa katatapos na 77th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament kung saan iisang panalo lang sa 14 games ang naitala nila.
Sa totoo lang, ang kaisa-isang panalong iyon ay naitala ng Fighting Maroons nang wala si Madrid dahi sa suspendido siya nang makaharap nila sa unang pagkakataon ang Adamson Falcons.
Well, siguro nga ay may katwiran ang UP na maghanap ng bagong coach.
Pero hindi lang naman coach ang problema ng Fighting Maroons. Problema rin nila ang recruitment ng players.
Kasi kahit na makuha nila ang pinakamahusay na coach, kung hindi sila makakakuha ng matitinding manlalaro, malamang na wala ring mangyari.
Ang isa pang koponang tila naghahanap ng coach ay ang Letran Knights na nagtala ng 0-9 record sa 80th National Collegiate Athletic association NCAA at nabigong makapasok sa Final Four.
Ang siste’y hindi pa naman sinisisante si coach Caloy Garcia!
So, nasaan ang pormalidad doon? May coach pa sila ay naghahanap na ng iba.
Dapat siguro ay pagsabihan na muna si Garcia na tsugi na siya. O kaya’y sabihin kay Garcia na kailangan niya uling mag-apply.
Para naman kahit paano’y pormal ang lahat.
ni Sabrina pascua