TINIYAK ng pamunuan ng pambansang pulisya na nananatiling highly stable at manageable ang national peace and order and security situation ng bansa partikular sa tinaguriang domestic threat groups.
Ito ay kaugnay sa pagbisita ng Santo Papa na si Pope Francis sa Ene-ro 2015 at ang naka-takdang APEC head of states summit.
Ayon kay Directorate for Intelligence Deputy Director, Chief Supt. Ge-neroso Cerbo, patuloy na mino-monitor ng PNP ang ano mang developments at galaw ng local threat groups partikular sa Southern part ng Filipinas.
Sinabi ni Cerbo, wala pang positibong ugnayan kung anong grupo ang nagbabalak na maghasik ng karahasan sa nakatakdang major activities sa susunod na taon.
Siniguro ni Cerbo na ang PNP at ang buong intelligence community ay nananatiling nakaalerto at mapagmatyag nang sa gayon ay ma-monitor ang ano mang mga planong pagbabanta.
Giit ni Cerbo, hindi sila nagpapakampante, at ginagawa nila ang lahat para maging mapayapa at matagumpay ang na-sabing mga aktibidad.