Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UAAP Volleyball papalo sa Sabado

MAGSISIMULA na sa Sabado, Nobyembre 22, ang men’s at women’s volleyball ng UAAP Season 77 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa men’s division, maglalaban ang defending champion National University at Adamson simula alas-otso ng umaga at susundan ito ng bakbakang Ateneo de Manila at Far Eastern University sa alas-10.

Kagagaling lang ng Tamaraws sa pagkopo ng ikatlong puwesto sa Shakey’s V League men’s division.

Pagkatapos ng opening ceremonies sa alas-1:45 ng hapon, papalo na ang women’s division kung saan maghaharap ang University of the East at University of Santo Tomas sa alas-2 ng hapon at ang defending champion Ateneo kalaban ang National U sa alas-4.

Sasandalan ni Lady Eagles coach Tai Bundit sina Alyssa Valdez at Denden Lazaro habang si Jaja Santiago ay ibabandera ng Lady Bulldogs.

“Tickets for the opening are fast selling out,” wika ni UAAP secretary-treasurer Rodrigo Roque kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate. “Volleyball is fast becoming as popular as basketball but we’re hoping that it’s not just a fad.”

Sa Linggo, Nobyembre 23, maglalaban sa men’s division ang La Salle kontra UP at UST kontra UE samantalang sa women’s division ay maghaharap ang FEU kalaban ang UP at La Salle kalaban naman ang Adamson sa The Arena sa San Juan.

Bukod sa volleyball, ang iba pang mga palaro sa second semester ng UAAP ay ang juniors basketball, football, fencing, athletics, chess, lawn tennis at softball.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …