Nagbabala kahapon si Senator Aquilino “Koko” Pimen-tel laban sa mga kasinungali-ngan na ikinakalat ukol sa kapalpakan umano sa paggamit ng precinct count optical scan (PCOS) bago pinaalalahanan ng senador ang Commission on Elections (Comelec) na mag-ingat sa pagbili at paggamit ng iba pang bagong teknolohiya.
Nagpahayag si Pimentel ng kanyang reaksiyon kasunod ng mga ulat na nagpasiya na ang Comelec na sumubok ng ibang porma ng voting machines bilang karagdagan sa PCOS machines para sa darating na 2016 national elections.
Ang Comelec ay may kulang 82,000 PCOS machines na nabili mula sa Smartmatic Philippines na ginamit sa matagumpay na halalan noong 2010 at 2013.
“Kalungkot-lungkot at pa-tuloy tayong nakaririnig ng mga ‘di-kapani-paniwalang kuwento ng katatakutan ukol sa PCOS machines. Wala namang napatunayan sa mga ito dahil pa-wang gawa-gawa lamang ng ilan na may ibang ibinebenta sa Comelec kaya sinisiraan ang PCOS,” sabi ni Pimentel na si-yang chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation. Sa hearing ng naturang Senate committee, isinulong ng Comelec Advisory Council (CAC) ang patuloy na paggamit ng Smartmatic PCOS units sa 2016 dahil pamilyar na ang nakararaming botante sa operasyon nito.
“Ano pa ang alternatibo gayong nasagot naman lahat ng Smartmatic ang lahat ng pag-aagam-agam ukol sa operasyon ng PCOS at napatunayan na walang malaking problema,” dagdag ni Pimentel.
Ang Comelec ay inaasa-hang makatatanggap ng P16.8 billion Comelec budget para sa fiscal year 2015 at P3.76 billion mula rito ay ilalaan sa pagbili dapat ng karagdagang Smartmatic 41,800 PCOS machines.
Ngunit ayon sa mga ulat, sumang-ayon ang Comelec en banc sa karagdagang rekomendasyon ng CAC na gumamit ng “multiple or mixed technologies” sa 2016 elections para tiyakin na makalahok ang mas maraming botante at makita ang bentahe ng ibang makabagong teknolohiya o innovative solutions.
“In principle, it has been decided to use mixed techno-logies. It is not a total adoption but we are basically following the CAC recommendation, although there will be some mo-difications,” sabi ni Louis Napoleon Casambre, head CAC.
Ngunit kamakailan, inilabas ng Comelec ang Invitations to Bid para sa pag-supply ng additional 23,000 units ng optical mark reader (OMR) at 410 units ng direct recording electronic (DRE) para sa 2016 polls.
Sa teknolohiyang DRE, ang mga botante ay gagamit ng touch screen sa kanilang pagboto kaya fully automated ang sistemang ito mula sa voting, vote counting, transmission of results sa canvassing centers sa provincial at regional levels.