Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayver, isasama sa Two Wives

 

112014 erich kaye jason rayver

00 fact sheet reggeeKASAMA pala si Rayver Cruz sa Two Wives nina Kaye Abad, Erich Gonzales, at Jason Abalos na umeere gabi-gabi bago ang Koreanovelang Angel Eyes.

Lumabas na raw si Rayver noong nakaraang linggo sabi ng kasama namin sa bahay pero sandali lang kaya hindi rin alam kung ano ang papel ng aktor.

Mabuti naman at binigyan na ng TV project si Rayver dahil sayang naman ang galing niya sa pag-arte kung ibuburo lang.

Tanda namin minsan nang nakatsikahan namin ang bossing ng isang malayong network na minsan daw ay hindi lang puro hitsura at kabaitan ang taglay ng isang artista para bigyan ng projects, dapat marunong umarte at may appeal din sa manonood.

Tama naman, pero sa kaso ni Rayver, malakas ang appeal. Katunayan, parati siyang nire-request sa TFC shows dahil nga gustong-gusto nilang sumayaw at guwapo ang aktor at dagdag bonus na magaling umarte at matangkad.

Hindi namin napapanood ang Two Wives kasi parang walang bago sa kuwento ng Legal Wife na nag-aagawan sa isang lalaki at pareho rin ng eksena, nag-aaway ang dalawang babae, kaloka.

Sana maganda ang papel ni Rayver at hindi lang dekorasyon at higit sa lahat, hindi siya nega sa paningin ng viewers.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …