Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy Fear Factor winner Jommy at Biggest Loser winner Larry, kapwa nakakulong

 

ni Ambet Nabus

112014 larry martin Jommy Teotico

HALOS magkasunod lang na nabalita (though hindi masyadong lumaki) ang eskandalong kinasangkutan ng mga reality show winner na sina Pinoy Fear Factor Jommy Teotico atBiggest Loser Larry Martin.

Si Jommy ay nahuli sa bahay nito sa Laguna sa isyu ng paggamit ng marijuana na ayon pa sa minsan ding naging TV/movie actor ay ginagamit niyang gamot para sa kanyang karamdaman. Mayroon pala itong ADHD o attention deficit hyperactivity disorder at ipinayo nga raw ng kanyang Psychiatrist ang paggamit ng marijuana.

Dahil din sa balitang ‘yun, nalaman tuloy ng marami na ka-live-in pala niya ang isa pa ring reality search contestant noon na si Jamilla Obispo (PBB teen edition) na buntis pa pala.

Then, nahuli naman sa Cam. Sur ang kauna-unahang Biggest Loser winner na si Larry dahil sa salang accessory to a murder crime noon pang 2012. Nakakulong ngayon ang dating pulis sa Bicol na nasangkot nga sa kasong murder dahil sa pagsama nito sa pinsang lalaki na siyang nanuntok sa umano’y isang court sheriff na nambastos daw ng gf ng pinsan ni Larry. Ang naturang panununtok ang naging dahilan para ma-comatose ang biktima hanggang sa mamatay kaya’t kinasuhan ng mga naiwan nito ang magpinsan.

Nakakaloka ang mga eskandalo ‘di ba mareh lalo pa’t kung ating babalikan ang naging exposure nila noon sa mga nabanggit na reality shows bilang nakai-inspire sa buhay! Hay!!!

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …