Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi, magtutungo ng Japan para kumain ng sashimi

090714 Lovi poe

00 SHOWBIZ ms mNAGBABALIK muli sa paggawa ng horror films si Lovi Poe via Flight 666 ng Shake, Rattle & Roll XV ng Regal Films. Bale ito ang ikatatlong beses na paggawa ni Lovi ng SRR na idinirehe ni Perci Intalan.

Aminado si Lovi na nakadama siya ng takot at nerbiyos habang ginagawa ang kanilang eksena sa eroplano. Kasi naman, ‘yung halimaw na ginamit sa movie ay kakila-kilabot ang hitsura kaya mapapasigaw ka talaga kapag umatake na ito.

“Hindi ko kayang tingnan! Napapapikit ako kapag sumalakay. Nahilo talaga ako sa kasisigaw at kakatakbo. Although alam kong props lang ‘yon, still ‘yun na yata ang creature na talagang nagpasigaw sa akin. Marami na akong nagawang horror films at iba-ibang creatures ang nakalaban ko, pero itong ‘Flight 666’, ewan ko nakakabaliw,” sambit ni Lovi na kapareha for the first time si Matteo Guidicelli.

Ayon naman sa Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde, ito ang pinakamahal niyang SRR dahil talagang umarkila siya ng eroplano para sa Flight 666 episode. “For the first time in my life, I spend too much for this film alone.”

Sinabi pa ni Mother Lily na, “Both three episodes ay nakakatakot. I couldn’t sleep after watching it.” At in fairness sa teaser na aming napanood, mukhang maganda at nakatatakot nga ang mga episode ng SRR XV na bukod sa Flight 666 ay kasama rin ang Ahas ni Dondon Santos at pinagbibidahan ni Erich Gonzales, at ang Ulam ni Carla Abellana at idinirehe ni Jerrold Tarog.

Samantala, naikuwento ni Lovi na next week ay magtutungo sila ng kanyang ina sa Japan para magbakasyon o ang tinatawag niyang Me Time (with my mom). Hindi raw makakasama ang kanyang BF (na seven months na pala ang kanilang relasyon) na si Rocco Nacino dahil busy ito sa taping.

Ani Lovi, magtutungo siya ng Japan dahil, “para kumain ng sashimi,” natatawang sagot nito.

Paano’y noong unang makatungtong pala ng Japan si Lovi ay ni hindi niya nagawa iyon (ang kumain ng sashimi) dahil work ang ginawa niya roon bukod pa sa isang araw lamang sila sa Japan.

“Overnight lang ako dahil for work lang ang ipinunta ko. Hindi ko talaga na-enjoy. Kaya sabi ko kakain talaga ako ng sashimi at ramen this time, mga ganoon. Magpalamig din ng isip, mag-recharge siyempre,” anang pa ng dalaga na lalong gumaganda dahil inlove.

Mapapanood ang SRR XV sa December 25 at isa sa entry ng Metro Manila Film Festival.
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …