Dati-rati, mega hurting talaga ang appealing singer/actor dahil kinabog ang kanyang presence at sex appeal ng noo’y bagets pang balbonic sexy actor na naturingang rapper raw kuno at hindi naman singer pero sandamakmak ang production numbers.
At dahil sa kadalasa’y dominated ng dakotang (size is might remember? Hahahahahahaha!) balbon ang production numbers, in most cases, hindi na makakanta ang papable na balladeer.
Nang magtagal na ganon nang ganon ang set-up, nagdesisyong mag-over da bakod ang balladeer dahil na sense niyang wala nang patutunguhan ang kanyang career sa eskalerang network.
Some ten years after, tigbakers na ang showbiz career ng dakotang rapper at ang nakatatawa, ang morenong balladeer naman ang in vogue.
Hahahahahahahahahahahaha!
Ang buhay-showbiz talaga, oo, hindi ka nakasisiguro kung ano ang naghihintay sa ‘yo, the best way to cope up is to become cool and always expect for the inevitable.
Ang hirap naman kasi roon sa dakotang rapper, puro nota ang ipinagmamalaki at hindi nag-aral umarte.
Ang ending, hanggang sa paghuhubad na lang sa kanyang facebook account ang drama niya. Hahahahaha!
In stark contrast, bloomingdale ang showbiz career ng balladeer/actor dahil nag-aral umarte at naging multi-awarded actor in the process.
‘Yun lang!
ni Pete Ampoloquio, Jr.