PINAGBIBITIW ng isang samahan ng health workers si Department of Health (DoH) Acting Secretary Janette Garin.
Ito’y kasunod nang pagbisita ng opisyal sa mga peacekeeper na naka-quarantine kontra Ebola virus sa Caballo Island.
Giit ni Dr. Genevieve Rivera-Reyes, secretary general ng Health Alliance for Democracy (HEAD), alam lahat ng mga doktor na mali at labag sa protocol ng quarantine ang ginawa ni Garin na isinama pa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gregorio Pio Catapang sa isla.
Bukod sa hamon na quarantine sa mga opis-yal, ipinanawagan din ng grupo na tukuyin at panagutin ang lahat ng lumabag sa protocol.
Garin pasusuutin ng protective gear (Sa pagharap sa Senado)
MAAARING pasuutin ng protective gear si acting Health Secretary Ja-nette Garin sa kanyang pagharap sa Senado para idepensa ang kanilang proposed budget sa Lunes, Nobyembre 24.
Ito ay nang kwestiyonin ni acting Senate Minority Leader Tito Sotto kay Senate committee on finance chairman Sen. Chiz Escudero ang pagbisita ni Garin sa naka-quarantine na UN Filipino peacekeepers sa Caballo Island sa Cavite.
Ayon kay Sotto, da-pat ikinonsidera ni Garin ang takot ng publiko sa posibilidad na matamaan ng Ebola virus.
Kasama ni Garin na nagtungo sa Caballo Island si AFP Chief of Staff Gregorio Pio Catapang.
Ipinasa ni Escudero ang tanong ni Sotto kay Senador Teofisto Guingona, chairman ng Senate committee on health.