SINAKSAK ang 33-anyos bading ng kanyang lover nang mairita sa pa-ngungulit na sila ay magtalik kahapon ng mada-ling-araw sa Pasay City.
Nakaratay sa Pasay City General Hospital si Ronildo Silud, promodi-zer, ng 73 Don Carlos Revilla St., Pasay City.
Habang nakapiit sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Roland Fuentes, 20, tubong Botongon, Estancia.
Ayon kay Chief Inspector Joey Goforth, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa 73 Don Carlos Revilla St., Pasay City dakong 2:30 a.m.
Napag-alaman, kinukulit ng biktima ang suspek na sila ay magtalik ngunit tumanggi si Fuen-tes dahil masama ang kanyang pakiramdam.
Bunsod nito, nairita ang suspek, kumuha ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.
Isinugod ang dugu-ang biktima ng kanyang kapatid sa naturang ospital habang naaresto ng mga pulis ang suspek.
Jaja Garcia