MAKALIPAS ang mahigit isang taon na pagtatago sa Filipinas, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang isang Austrian na wanted sa Europe dahil sa internet fraud.
Ang pag-aresto sa Austrian na si Andreas Woelfl sa compound ng isang exclusive villa sa Subic ay isinagawa nang pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration, Philippine National Police-Region 3 at Austrian Interpol.
Bukod kay Woelfl, wala nang iba pang naabutan sa kanyang unit ngunit kinompiska ang nakitang mga dokumento, computer at gadgets para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.
Ayon sa Austrian Interpol at BI, bukod sa criminal records sa Austria, mayroon ding European at international arrest warrant sa suspek dahil sa kaugnayan niya sa malawak na internet fraud operation, at mga nakaw na makina ng sasakyan sa Europa.
Mariing itinanggi ni Woelfl ang mga paratang laban sa kanya.