NAREKOBER ng mga tauhan ng Anti-Carnaaping Unit ng Parañaque City Police ang siyam pinaniniwalaang karnap na sasakyan habang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang magkapatid na karnaper.
Ayon kay Parañaque City Police chief, Senior Supt. Ariel Andrade, ang magkapatid na sina Russel at Romulo Dolor Pacia Jr. ng 3 Chapel Road, Sun Valley, Brgy. 195, Pasay City, na kapwa nakalalaya pa, ay nahaharap sa kasong 8 counts ng carnapping at estafa.
Habang nasa pangangalaga ng Parañaque Police ang siyam na sasakyan, kabilang ang apat na Nissan Somera, apat na Toyota Vios, at isang Kia Picanto.
Ayon kay SPO4 Mario Chris Gellanga, hepe ng Anti-Canapping Unit ng Parañaque Police, narekober nila ang mga saksakyan sa Sheryl Mira St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City sa isinagawang operasyon ng Anti-Carnapping at Police Community Precinct (PCP-6) dakong 11 p.m.
Ang modus-operandi ng mga suspek ay aalukin ang may-ari ng sasakyan na ipa-rent a car ang kanilang sasakyan para kumita kada buwan.
Ngunit makaraan ang dalawang buwan ay tatangayin na ng mga suspek ang sasakyan.
Jaja Garcia