Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20-anyos bebot 8 buwan sex slave sa lodging inn (Nag-check-in dahil nalasing)

112014 FRONTCAGAYAN DE ORO CITY – Nailigtas ng mga tauhan ng Agora Police ang 20-anyos babae na sinasabing walong buwan naging sex slave ng isang lalaki sa loob ng lodging house sa siyudad na ito.

Ayon sa reklamo ni Gina, walong buwan siyang ginawang sex slave sa basement ng lodging house na pagmamay-ari ng pamilya ng suspek na kinilalang si Rito Estrella Jr.

Idineklarang nawawala ang biktima noong Marso at naka-blotter sa pulisya noon pang Hulyo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-check-in sa lodging house ang biktima dahil nalasing siya sa pakikipag-inoman sa mga kaibigan.

Ngunit biglang pumasok ang suspek sa kanyang kwarto at mula noon ay hindi na siya pinakawalan.

Kwento ng biktima, itinatali ng suspek ang kanyang mga kamay ng alambre upang hindi siya makatakas.

May panahon din na pwersahan siyang pinagagamit ng droga ng suspek at pinahuhubad sa harap ng mga kasosyo sa negosyo ng salarin. Sinasaktan aniya siya ng suspek kapag pumapalag siya.

Itinanggi ng suspek ang alegasyon at sinabing may sampung buwan na silang nagsasama.

Duda ng biktima, dalawang buwan na siyang buntis dahil hindi na siya dinadatnan ng buwanang dalaw.

Nailigtas ang biktima makaraan ma-contact ang kanyang kapatid at nakahingi ng tulong.

Nahaharap sa kasong serious illegal detention at rape ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …