USAP-USAPAN ang pagtanggi ni John Lloyd Cruz sa isang teleserye na makakasama sina Jericho Rosales at Maja Salvador kaya kasunod noon, ang paghahanap na kapalit. Sinusuwerte yata si Xian dahil sa kanya napunta ang role na para sa actor.
Isang malaking pressure na siya ang pumalit kay Lloydie. Aniya, ”Of course, that added pressure to me that came from him (JLC). But on the other hand, I’m really thankful and excited. I’ll give my all to make everything work. There is pressure pero makasisiguro sila na pagbu-butihan ko. They will see a 100% of Xian. I’m really excited dahil sa akin ito ipinagkatiwala.”
Naganap ang nasabing pahayag sa presscon ng Past Tense, ang ikalawang pelikula nila ni Kim Chiu na matatandaang sila ang pagkatambal sa unang salvo for 2014 ng Star Cinema ang kanilang Bride For Rent” na naging blockbuster sa takilya. At ngayon, sa pagtatapos ng taon, sila uli ang mag-partner kasama si Ai-Ai delas Alas. Kaya naman, hindi nakapagtataka kung na-miss ng dalawa ang magkasama sa isang proyekto.
Aminado ang dalawa na sobra nilang na-miss ang isa’t isa bagamat tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon. Katunayan, kung may panahon ay lumalabas sila. Sa puntong ito, inamin ng aktor na dahil sa tagal na hindi sila magkasama ni Kim sa trabaho ay nagkailangan na sila. Kaya medyo nailing sila sa kanilang mga eksena. As in, palaging nauuwi sa tawanan kapag sumisigaw na ng ‘cut’ si Direk Mae Cruz Alviar.
‘Ika nga, never a dull moment sa set, tawa sila ng tawa kahit pagod na sa trabaho kaya gusto ni Kim na gayahin ang pagiging mapagkumbaba ni Ai-Ai. Never daw itong naging bugnutin sa set, naghihitay daw ito hanggang matapos ang shooting at hindi nagmamadali. Kaya gustong tularan ang komedyana ay dahil ayaw nitong may masabing hindi maganda sa kanya ang mga kasamahan.
Aniya, ”Gusto ko kasi at the end of the day, maganda ang masabi sa akin ng mga taong nakatrabaho as in, maganda ang review sa akin.”