targeTATLO sa magagaling at masisipag na opisyal ng Muntinlupa City ang bibigyan natin ngayong araw na ito ng pagkilala at papuri sa hindi matatawarang dedikasyon sa kanilang trabaho sa pagkakaloob ng serbisyo publiko.
Of course numero uno sa listahan natin ang itinuturing na ama ng siyudad na si Mayor Jaime R. Fresnedi na from day 1 ay puspusan nang ginampanan ang kanyang tungkulin na muling pasiglahin hindi lamang ang pananalapi ng lungsod kundi ang demoralisadong working mood ng city hall employees.
Sa ganitong leadership style, alam ni Mayor Fresnedi na hindi siya mabibigong makuha ang simpatya, tiwala at kooperasyon ng kanyang mga dinatnang kawani sa Muntinlupa City Hall.
Nagtatag na isang efficient at hardworking team si Fresnedi sa pamumuno ni Engr. Allan Cachuela bilang city administrator.
Si Cachuela ang nagsisilbing alter ego ni Mayor Fresnedi kung saan delegated sa mamang city administrator ang halos lahat ng functions na nakaatang bilang responsibilidad ng halal na alkalde.
Solido ang tiwala ni Mayor Fresnedi kay City AdministratorCachuela na sinuklian naman ng huli ng tapat at episiyenteng paglilingkuran sa mamamayan ng Muntinlupa.
Ang basic services na noong mga nagdaang panahon ay nakaligtaang maipagkaloob sa taumbayan ay masaganang nakararating ngayon sa mga dapat na receiptients.
At unti-unti, nadama ng mga taga-Muntinlupa ang mapag-arugang pagse-serbisyo ng kanilang pamahalaang lungsod.
Inilagay naman ni Mayor Fresnedi bilang hepe ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) si Ginoong Gary Llamas.
Batid ni Ma-yor Fresnedi na kakailanganin ng lungsod ang expertise ng isang Gary Llamas sa nasabing tanggapan para magkaroon ng katuparan ang vision ng alkalde na malingap at mapaunlad ang pananalapi ng Muntinlupa at siyang maging tulay ng lokal na pamahalaan sa investors at mga ne-gosyante ng Muntinlupa City.
Naging business friendly ang Muntinlupa under the reign of Mr. Llamas as chief ng BPLO. Yaong mga dating red tape na umiiral sa nagdaang admnistrasyon ay parang bulang naglaho.
Ipinatupad ang transparent na kalakaran sa BPLO sa tagubilin na rin ni Mayor Fresnedi. At unti-unting, bumalik sa mayabong at masiglang kalakalan ang lahat.
Dahil naging maayos ang takbo ng mga gawain sa city hall, nagkaroon ng malaking panahon si Mayor Fresnedi para ma-focus ang kanyang atensiyon sa iba pang mahahalagang trabaho na magbibigay ng kaunlaran sa siyudad.
Mas nagkaroon ng panahon para tutukan ang iba pang serbisyong kinakailangan ng taong ba-yan gaya sa senior citizens, youth, academe, business, environment at medical & health care.
Ngayon nga, Muntinlupa is back on the right track. Isa na uli sa masasabing may tiger economy at masa-sabing may pinakamalaking potential pagdating sa industrial advancement sa buong Metro Manila.
Isa kasi ang Muntinlupa City sa may pinakamalaking land area sa mga siyudad sa Metropolis na nagugustuhan ng local at foreign investors engaged in industrial businesses.
Naging kaaya-aya rin sa mga negosyante ang peace and order ng siyudad na ikinokonsiderang isa sa pinakamatahimik at payapang lungsod sa buong Metro Manila.
Mababa ang crime rate ng siyudad na masa-sabing kredito ng nakaupong alkalde.
Suportado rin kasi ni Mayor Fresnedi ang pangangailangan ng Muntinlupa Police Force. Hindi rin gaanong problema ang illegal drugs dahil maganda ang programa rito ng lokal na pa-mahalaan at pulisya.
Mabuhay ka Mayor Fresnedi at ang buong working team.
Keep up the good work gentlemen!
***
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]