HINILING ni Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang sumailalim sa physical therapy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
Ayon sa mga abogado ng senador, kailangan ni Estrada ang physical therapy sa isang well-equipped hospital, dalawa hanggang tatlong beses kada linggo, sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo.
Iniinda ng senador ang pananakit sa kanyang kaliwang balikat, “mild bulging” ng kanyang cervical spine at adhesive capsulitis o frozen shoulder.
Bukod sa kanyang kalusu-gan, inirereklamo rin ni Estrada ang prosekusyon sa bagal nitong magpresenta ng mga testigo sa kanyang bail hearing.
Una nang pinayagan ng anti-graft court ang kapwa akusado ni Estrada sa pork barrel scam na si Senator Bong Revilla sa hiling na overnight medical check-up sa St. Luke’s Medical Center – Global City.