Friday , November 15 2024

SC usad-pagong sa kaso vs Erap

111914 ERAP DQLUMUSOB sa harap ng Korte Suprema ang tinatayang 200 katao mula sa iba’t ibang grupo para kondenahin ang mabagal na desisyon ng mga mahistrado sa disqualification case sa napatalsik na pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Kabilang sa mga grupong sumama sa kilos protesta ang Kaisa sa Mabuting Pamamahala (KMP), Koalisyon ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK) at Coalition of Women Against Corruption (CoWAC). Sumama  rin  sa panawagan ang grupo ng mga abogado na Hukuman ng Mamamayan Movement, Inc. (HMMI) at maging ang Movement Against Corruptions (MAC).

Ayon kay Tina Bonifacio,  Presidente ng grupong Movement Against Corruptions (MAC), sa tagal ng proseso ng desisyon ng Supreme Court sa kaso ni Estrada, nababahala na sila na baka naiimpluwensyahan na ni Estrada ang mga kagalang-galang na mahistrado ng Kataastaasang  Hukuman.

“Kami po ay maliit na grupo lamang, pero bahagi ng malaking bilang ng mahihirap. Kami po ay umaapela sa Korte Suprema na bigyang linaw ang nasabing usapin dahil kami po ay nababahala na baka muling mahalal bilang Pangulo ng bansa ang isang taong nahatulan na ng kasong Pandarambong,” apela ni Bonifacio.

Samantala, hinamon ni Ka Andoy Crispino, Sec. General ng KKKK, si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na patunayan niyang tutol siya sa “Justice delayed, Justice denied!” sa pamamagitan nang agarang pagpapasya sa kaso ni Erap na naisampa sa SC, dalawang taon na ang nakalilipas.

Habang umaapela si CoWAC National Chairperson Susing Dela Cruz kay Chief Justice Sereno na dapat usisain din si SC Spokesman Atty. Theodoro Te tungkol dito.

“Ang anak ng tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Wryan Martin Te ay tauhan ni Manila Mayor Estrada kaya paano masasabing hindi kayang maimpluwensyahan ang Korte Suprema? Dapat silipin ito ni Chief Justice Sereno para hindi pagdudahan ang Supreme Court na naiimpluwensyahan sila,” giit ni Dela Cruz.

Matatandaang sinampahan ni Atty. Alice Vidal ng disqualification case si Estrada, dahil naniniwala ang abogado na hindi na  maaaring tumakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno si Estrada makaraan siyang mahatulan ng Korte ng habangbuhay na pagkakabilanggo sa kasong pandarambong.

Naniniwala si  Hukuman ng Mamamayan Movement, Inc. (HMMI) President  Atty. Berteni “Toto” Cataluna Causing na conditional at hindi absolute pardon ang ibinigay kay Estrada na nagbubura nang lahat ng criminal records ng dating pangulo.

Iginiit din ni Atty. Causing na nakalagay sa conditional pardon ni Estrada na tinatanggalan siya ng karapatan na muling mahalal o maupo sa ano mang posisyon sa pamahalaan.

Bong Son

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *