Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rox Tattoo (Part 18)

00 rox tattoHINDI NABURA SA ISIP NI ROX NA HANGUIN SI DADAY SA SAUNA BATH

Pag-uwi niya sa tinutuluyang apartment ay nilunod niya ang sarili sa alak. Nagkakandasuka na siya sa kalasingan nang matagpuan siya roon ni Jakol.

“Ano’ng probelma, Kosa?” anitong nang-akbay sa kanya sa kinauupuang silya ng mesang kinapapatungan isang longneck na imported na alak at de-latang corned beef na pulutan.

Itinuro niya ang tapat ng dibdib. At ikinuwento niya kay Jakol ang dahilan ng pagkaburyong.

“Kung talagang mahal mo ang Daday na ‘yun at mahal ka rin niya ay isa lang ang nakikita kong problema,” sabi ng kanyang kakosa.

Napaangat ang mukha niya sa kausap.

“A-ano ‘yun?” aniya sa pagkabulol.

“Ano pa, e ‘di pera, pera, pera… at pera pa!” ang ipinagdiinan ni Jakol. “Kasi, kung madatung ka, pwede na kayong magsama o magpakasal ng girlfriend mo. At pati mga mahal niya sa buhay ay makakaya mo na rin pamilyahin.”

Natigilan si Rox. Totoo naman kasi na maraming bagay ang nagagawa ng salapi.

“Kaya nga dapat tayong magtrabaho nang magtrabaho para yumaman tayo,” banat pa ng ka-buddy niya.

Marumi ang trabaho ng grupo nila ni Jakol. Mapanganib. At palagi nang nasa hukay ang kanilang isang paa. Pero kinakailangan nilang gawin iyon para makatakas sa kahirapan. At sa pagkakataong iyon ay nagkaambisyon siyang magkamal ng maraming-maraming salapi para sa katuparan ng pag-ibig nila ni Daday na kinakailangan muna niyang hanguin sa putikan, sa sauna bath na prente ng bilihan ng laman.

Kinabukasan ng umaga ay tinawagan siya ni Jakol. May lakad daw ang kanilang grupo. Ipinaalam nito ang oras at eksaktong lugar na kanilang pagtatagpuan.

“Darating ako sa oras,” aniya sa ka-buddy na kausap sa cellphone. .

“Sige, Kosa… Sa meeting place na siguro tayo ibi-briefing ni Major,” pag-aabiso pa ni Jakol.

Dumating sa lugar-tagpuan ang kompletong grupo na kinabibilangan ni Rox. Naroon si Jakol, Dongie, Tikboy at Rando. Maraming pagkain ang ipinahanda ni Major sa kanilang pag-aalmusal. Kumbaga’y katulad sila ng isang taong isasalang sa bitayan. Noon niya napag-alaman na isasalang pala ni Major ang kanilang grupo sa isang malaking operasyon. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …