Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maliliit na pharmaceutical firms nabahala sa ‘flip-flopping’ ng korte

111914 medicinesNABAHALA ang maliliit na pharmaceutical firms sa pabago-bagong desisyon ng isang quasi-judicial court hinggil sa pag-importa at pagbebenta ng  generic na gamot na nang una ay pi-naboran nito.

“Ang pabago-bagong desisyon ng korte, sa kasong ito ay Intellectual Property Office  (IPO), nakaaantala ng tamang aplikasyon ng hustisya,” ayon kay Mack Macalanggan, tagapagsalita ng Ferma Drug, Mark Ericcson Enterprises, at Ellebasy Medicale.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng multi-national na kompanyang Merck Canada sa IPO ng Bureau of Legal Affairs.

Inakusahan ng Merck ang tatlong kompanya ng paglabag sa Patent Law nang mag-importa at magbenta ang Ferma, Mark Erricson at Ellebasy ng etericoxib (Xibra), isang anti-inflammatory tablet para sa sakit sa puso, na ayon sa Merck ay kinopya lang sa kanilang tableta.

Una nang ibinasura ng IPO ang petisyon ng Merck na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa tatlong kompanya.

Ang desisyon ay pinirmahan ni IPO hearing officer Adoracion Zare at inayudahan ni BLA Director Nathaniel Arevalo.

Ayon sa kanila, ang reklamo ay alinsunod sa Section 2 ng Office Order No. 186 Series of 201 na kaila-ngan munang magsumite ang Merck ng affidavits at orihinal o certified true copies na mga dokumento.

“Hindi rin naging malinaw ang inihaing reklamo ng Merck tungkol sa patentability ng etoricoxib, act of infringement sa pag-iimporta at pagbebenta  ng gamot. Ga-yon din, hindi rin nasuportahan ang dahilan upang maglabas ng injunctive writ ang IPO at nabigong ipaliwanag nito ang irreputable injury dito,” ayon sa naunang sulat ng IPO.

Kamakailan, bumaliktad ang IPO sa desisyon at nagpalabas ng TRO sa tatlong kompanya.

“Walang matibay na dahilan ang aksyon ng IPO at hindi lang ito ‘flip-flopping’ kundi paglabag sa Republic Act 9502 o Universally Accessible Cheaper and Qua-lity Medicine Act of 2008 na nagbibigay ng karapatan sa mga tao na mapili at makabili ng murang gamot na hindi nasasakripisyo ang kalidad nito,”  ani Macalanggan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …