IPINADPAD SI GABRIEL NG PAMAMANGKA AT PANGHUHULI NG ISDA SA KANILANG BAYAN
Sitsit na narinig ko sa mga taong nakakakilala sa lola kong nanay ni Inay:
“Isang kababalaghan ang naganap nang isilang si Monang. Isipin n’yo, patay na ang nanay niya, e, naipanganak pa siya.”
Pero sa umpukan ng mga tsismosa ay isang matandang babae ang kinaringgan ko ng pagdududa na “mas posibleng ipina-nganak muna si Monang” bago namatay ang aking lola.
Pinakain ko muna si Inay at saka kami namasyal ni Gabriel sa tabing-ilog. Naglakad-lakad kami roon. Hindi ako tumutol nang gagapin niya ang palad ko.
Tahimik na nagkaunawaan ang aming mga damdamin na matagal nang umiibig sa isa’t isa. Halos isang taon din niya ako niligaw-ligawan at sinuyo-suyo. Kung gaano siya katiyaga sa pamimingwit ng isda ay gayundin niya pinagtiyagaang bingwitin ang puso ko.
Magbubukid si Gabriel. Malawak ang lupain na pinagtatamnan niya ng sari-sa-ring gulay.
Isang araw ay napadpad siya sa aming lugar galing sa kanilang barangay na sakay ng bangka. Naging libangan, at pinagkakakitaan din naman niya ang pa-mimingwit. Nawili siyang mangawil sa aming ilog dahil malalaki at matatabang isda ang nahuhuli niya roon. Doon niya ako unang nakita noon. Doon kasi ako nagla-laba at sumasalok ng tubig na ginagamit sa aming bahay.
(Itutuloy)
ni Rey Atalia