ni Dominic Rea
HINDI talaga matatawaran ang galing sa pagkanta ng isang Jed Madela. Isang world-class performer na walang ibang gusto kundi ang mabigyang kasiyahan ang manonood at tagahanga.
Jed exclaimed that satisfaction at it’s best ang tanging nais niya sa bawat konsiyertong kanyang ginagawa. Naniniwala siyang people pay just to watch him performs kaya naman ayaw niyang napapahiya.
Kaya naman mula sa kauna-unahang All Requests ay muling magtatanghal ngayong November 21 Jed sa Music Museum para sa All Requests 3 na magkakaroon ng Philippine Tour next year.
Magiging guests ni Jed ang 5th Gen, Michael Pangilinan, JK Labajo, at Arnel Pineda. Muling kakantahin ni Jed ang mga signature song niya!
Aabangan din sa concert ang on the spot requests ng mga manonood na kanilang ihuhulog sa isang glass sa entrance ng Music Museum.
Bongga ang nakaline-up na concerts produced by our friend Moises Manio of M2D Productions like Lani Misalucha-The Philippine Tourngayong November 22 sa University of Baguio with Jed and Arnel at November 29 sa Rose Memorial CPU, Iloilo City with Jed and Arnel uli at ang inaabangang Daniel Padilla Road Tour ngayong December 6 sa Leisure Coast Gym!