Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isang round lang si Algieri — Roach

00 kurot alexHINDI pa man dumarating ang laban nina Chris Algieri at Manny Pacquiao na nakatakda sa Linggo sa Macau, marami na ang nang-uulot sa posibleng paghaharap nina Manny at Floyd Mayweather Jr.

Kamakailan lang ay parang naburyong na si Bob Arum sa posibleng bakbakan nina Pacman at Floyd.

Ayon kay Arum—sawang-sawa na siyang makipagnegosasyon sa kampo ni Mayweather na masyadong maraming kahilingan na talaga namang imposible.

At sa huli ng kanyang pahayag—sinabi niyang ayaw talagang lumaban ni Floyd kay Manny.

Iba naman ang lumabas na balita sa THE VOICE.COM na sinasabi nitong nag-offer kay Pacman si STEPHEN ESPINOSA ng Showtime na ipinadaan sa social media. Sinasaad doon na nag-offer siya ng $40 million plus para labanan niya si Mayweather pero tinanggihan daw ni Pacman.

Hanggang doon lang ang report ng The Voice.com. At walang detalyeng ibinigay.

Mukhang malabo iyon. Bakit hindi kakagatin ni Pacman ang ganoong kalaking halaga? Di ba’t naghamon si Pacquiao na maglaban sila ni Floyd at ibibigay nila ang kani-kanilang premyo sa kawanggawa?

Mukhang nagpapakalat na ng maling balita si Floyd para mapagtakpan ang tunay na isyu.

0o0

Todo na ang batuhan ng psywar sa pagitan ng kampo ni Pacman at Algieri.

Ito ang pahayag ni Algieri: “I truly believe that if I be myself and do what I know I can do, it doesn’t matter what Pacquiao does, We’re just going to set the tone and the pace and win the fight that way, just win it outright without having to worry about Pacquiao.”

Sinagot naman agad iyon ni Freddie Roach, “This ain’t a movie. It’s a fight.”

Dagdag pa ni Roach, “Manny only needs one round to keep his crown.”

Inayunan naman ni Justine Fortune, conditioning coach ni Pacman, ang pahayag ni Roach. “Yeah, Manny’s seems very happy with what he’s been doing in the camp. I know when he’s happy when the sparing is supposed to go 10 rounds, he would ask for two more. When doing the mitts is for 12 rounds, he would ask that it be extended to 15. That’s the way Manny is all throughout the camp.”

“You know when a man is happy, he’ll be 100 percent and Manny will be 100 percent when he climbs that ring Sunday in Macau. I can only pity Chris.”

 

ni Alex L. Cruz

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …