Pagkatapos mapanood sa PBB All In kasama na ang regular daily gag show sa Kapamilya network na “Banana Nite” at “Banana Split” na napanonood tuwing Sabado, nagdesisyon na si John Prats na iwan na ang kinalakhang ABS-CBN at lumipat sa GMA 7.
Kung pagbabasehan ang madalas na post ni John sa kanyang Instagram account ay pirmahan na lang ng kontrata ang kulang at certified Kapuso star na ang dancer-actor.
Kaso, as of presstime, mukhang may aberya sa pag-oober da bakod ni John at kumakalat ngayon sa social media na may bagay na inaayos pa raw ang manager ni John na si Arnold Vegafria dahil hindi raw pumapayag sa per project contract na offer ng estasyon sa alaga. Ang hiling o demand raw sa bigwigs ng GMA ay “guaranteed contract” para kay John na sabi ay hindi sinasang-ayonan ng management.
Well for us, parang mali na ang mag-demand ng ganito si Arnold lalo pa’t hindi naman maituturing na big star si John. Siguro kung si Piolo Pascual o John Lloyd Cruz ‘yun ay instant aalukin ang dalawa ng guaranteed contract kasi nga malalaking artista gyud!
ni Peter Ledesma