WALANG ideya ang Palasyo kung may basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdalaw nina Health Undersecretary Janette Garin at Armed Forces Chief of Staff Gen. Pio Catapang sa peacekeepers na sumasailalim sa quarantine process sa Caballo Island nang walang suot na protective gear.
Sinabi ni Coloma, hindi niya alam kung nagpaalam o kailangan pang humingi ng basbas sina Garin at Catapang sa Pangulo sa aniya’y pagtupad sa opisyal na tungkulin nang bisitahin ang peacekeepers sa isla.
Aniya, dapat pagbigyan na si Garin bilang pinakamataas na opisyal ng Department of Health, at si Catapang na pinakamataas na opisyal ng Sandatahang Lakas ay may malawak nang karanasan sa kanilang trabaho kaya ang pagpunta sa Caballo Island nang walang suot na protective gear ay “binatay nila sa paggamit ng katwiran at paggamit ng tamang pamantayan.”
Ngunit sa kabila nito, naniniwala ang Palasyo na walang pa-ngangailangan para puntahan nang personal ang mga peacekeeper sa Caballo Island.
Simula’t sapol aniya, ang batayang prinsipyo ng administras-yong Aquino ay sundin ang mga patakaran, at health protocols na naaayon sa standards ng World Health Organization at iba pang mga internationally reputable organizations, katulad ng centers for disease control.