Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gagamiting feng shui cures dapat gusto mo talaga (Para sa money energy)

00 fengshuiMAHALAGANG paligiran ang sarili ng mga imahe at items na magpapahayag sa iyo ng money energy at magpaparanas sa iyo ng financial abundance. Ang mga imahe na iyong mapipili ay iyong personal choice, dahil tayo ay may iba’t ibang kinabibilangan, o mga ideya kung paano mararamdaman ang enerhiya ng yaman.

Kung gagamit ng tradisyonal na Chinese feng shui cures, tiyaking gusto mo talaga ang mga ito. At tiyakin din na ang traditional feng shui cures ay bagay sa inyong home décor at gusto n’yo ang mga ito.

Kailangang magkaroon ng good energy exchange sa feng shui item upang umepekto ito. Piliing mabuti ang nais na feng shui cures.

Halimbawa ng traditional Chinese feng shui cures ay ang:

• Chinese coins

• Red tassels na may mystic knot pattern, gayundin ay may money symbols

• Three legged toad

• Imahe ng barko sa harbor, o actual wooden ship na may kargang coins at crystals.

•Aquarium na may golden fish o arrowana fish. Ang Koi fish ay madalas ding gamitin sa feng shui money applications.

Ang enerhiya ng pera at yaman ay hindi maaaring magsama sa energy of clutter, kaya sikaping mawala ang clutter. Hayaang ‘makahinga ang bahay at maglaan ng open space para sa magandang bagay na darating.

Tiyaking ang inyong money area ay kayang hawakan, o mapanatili ang Chi, o ang enerhiya na papasok sa inyong bahay.

I-tsek kung ang feng shui money area ay hindi partially missing. Kailangan mong tugunan ang lahat ng mga isyung ito – lalo na ang missing money area issue – upang mapanatiling matatag ang inyong wealth energy.

Halimbawa, kung nawawala ang bahagi ng inyong feng shui money area, ang pinakamadaling paraan para mabalanse ang enerhiya at makompleto ang missing area ay ang pagsasabit ng salamin sa Southeast wall.

Ang mirror o salamin ay nagdudulot ng enerhiya ng tubig, na sinaunang simbolo ng kasaganaan. Ang salamin ay tipikal na feng shui cure din sa pagkompleto sa missing area.

Kung may bathroom sa inyong money area, tiyaking mag-apply ng ilang feng shui tips para sa bathroom sa wealth area at remedyuhan ang sitwasyon.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …