ni Alex Datu
IPINAGMALAKI ni AiAi dela Alas na isang Gucci bag ang iniregalo sa kanya ng kanyang 20 year old ‘papa’.
Ani AiAi, wala pa siyang naibibigay na regalo sa kanyang BF pero naunahan pa siya ng bagets. She just turned 50 and what a coincidence, sabay ang kanyang birthday sa presscon ng Past Tense, last movie offering ng Star Cinema in connection with 20th anniversary. Hence, may eksenang blowing of candles pa ang lola.
Tama ang balitang nagkaroon ng Bell’s Palsy si AiAi at may mga nakapansin na medyo tumabingi ang kanyang mukha pero dahil natatakpan ito ng kanyang buhok ay hindi masyado nahalata. Itinanggi nito na dala ng sobrang kapaguran o stress sa kanyang 20 year old BF kaya nagkasakit. Mabait daw ito at magka-vibes sila dahil hindi nagkakalayo ang kanilang mga weaknesses.
Aniya, sabi sa kanya ng doctor, sanhi ng lamig at init na nasasagap sa shooting kaya nagkaroon siya ng bell’s palsy, kasama na rito ang pagod na hindi nakayanan ng kanyang resistensiya.