KAYA naman pala nabalitang nambugbog ang BF ni singer ay dahil lulong pala ito sa masamang bisyo.
Hindi pa man kasi nakahihinga sa dating kinasangkutang gulo ang magdyowa, heto’t ginulantang na naman tayo ng isang kaguluhan. Pero this time, sila nang magdyowa ang nagkagulo. Dyinombag ni lalaki si singer.
Ayon sa ating source, ang bisyo ni lalaki ang dahilan kaya magulo ang pagsasama ng magdyowa. Ang pagkakalulon din daw sa droga ang dahilan kung bakit naglilibot-libot na ang pamilya ni lalaki sa mga rehab center dahil gusto na nilang ipasok ito.
Marami na raw pinagtanungan ang pamilya ni lalaki kung saan mas effective ipasok ang anak para gumaling at malimutan ang masamang bisyo. (HNT)