Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, nilait ng fans dahil daw sa pagmamaldita

ni Alex Brosas

081314 bea alonzo

GRABENG panlalait ang inabot ni Bea Alonzo sa isang very popular website dahil nagmaldita raw ito sa mag-asawang fan niya.

Nagpa-picture raw kasi sa kanya ang couple pero hindi raw naging maganda ang kanilang karanasan sa dalaga. Parang diring-diri raw ito na magpakuha ng larawan na kasama siya.

Umapir sa Fashion Pulis ang photo ni Bea kasama ang male fan. Ipinadala yata ito ng anak ng mag-asawa. Nayabangan ang nagpadala ng photo kay Bea. Bakit daw ganoon ang dalaga gayong fan na fan ang parents niya ng dyowa ni Zanjoe Marudo.

Easily, ang daming nam-bash kay Bea. Talagang nilait ang beauty niya sa nasabing site.

“Anobeehh! ilang segundo lang para magpa-pic, di pa ba mapagbigyan ang fans? Malaking abala ba yon sa kanya??”

“Nakita ko xa once, sa shooting ng movie with John Lioyd, di naman nilalapitan ng fans pero mano man lang mag-smile. Haay mga artista nga naman.”

“iba naman kasi yung pagmamaldita sa taong humahanga sa knya. sana nagmaldita sya sa mga chumichismis sa kanya at taong ayaw nya. ok lang. pero ung in-admire ka na ng tao e mandidiri ka pa, iba naman un.”

Ilan lang ‘yan sa masasakit na sinabi ng fans kay Bea. Pero mayroon namang nagtanggol sa dalaga.

“Diri talaga?.. madaling manira at ang masakit na katotohanan ang dami kagad naniniwala, pano kung sabihin ko maganda ang na experience ko kay bea at marami na rin sa akin nagsabi na mabait talaga si bea, ang hirap kasi iba makapag kwento eksaherado.”

“Girl, mukhang busy naman kc ata c Bea nung nagpapic kayo. Wag ka namang oa manira riyan! Hindi sa lahat ng pagkakataon e ok magpapic sa mga artista. Baka naman kc na-invade nyo ang privacy nya kaya wala cya sa mood!”

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …