Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagito, pambagets na mabigat ang tema

ni Timmy Basil

111714 Nash alexa ella

MARAMING “first time” sa teleseryeng Bagito. First teleserye ito ni Nash Aguas na siya ang bida. First time ring magsama sa teleserye

ang magkaibigang Agot Isidro at Angel Aquino. First time ring tumanggap ng daring role si Ella Cruz na nakita natin noon sa teleseryeng Aryanna na neneng-nene pa.

First directorial job for a teleserye ito ni Direk Onat Diaz na direktor din ng The Buzz at first time rin sigurong mangyari ito na pinapa-presscon ng Sunday, dahil kinabukasan (Monday) ang airing ng teleserye at first time ko ring makapanood ng advance one week episode ng isang teleserye.

Roon sa mga nalilito na ang akala ay ang Dream Dad ang papalit sa Pure Love, huwag na kayong malito dahil ang Bagito na nga ang pumalit sa Pure Love at ang Dream Dad ay next Monday pa mag-uumpisa. Hindi ko rin puwedeng sabihin na baka ito ang papalit sa Hawak Kamay, baka magkaroon na naman ng changes, but I love changes, hehehehe.

As I was saying, pinanood sa amin ang buong first week episode ng”Bagito at hindi ito pa-cute-cute lang o pambagets lang. Oo, mga young teenager ang bida pero mabigat ang tema. It tackles teenage pregnancy.

Ibang-ibang Nash ang mapapanood dito. Nakaiiyak ang kanyang role.

Habang nanonood kami, akala ko ay ako lang ang umiiyak pero pagtingin ko sa katabi kong si Angel, umiiyak din. Pati ang mga nanonood sa bandang likuran ko nagsitulo rin ang luha.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …