Aries (April 18-May 13) Maaaring magkaroon ng tensyon ngayon. Maraming pwersa ang darating na makaaapekto sa iyong buhay.
Taurus (May 13-June 21) Ang iyong kakayahan sa paglagari sa trabaho ay magagamit mo ngayon.
Gemini (June 21-July 20) Pakiramdam mo’y ikaw ay parang maliit na batang nagtatago sa ilalim ng kama.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring ang mga bagay ngayon ay halos naaayon sa iyong plano.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Sisikapin mong madisiplina ang iyong mga aksyon ngayon, at mananatiling nakalapat sa lupa ang mga paa.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Magiging hamon sa iyo ang mapanatiling balanse ang mga bagay.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring maging higit na tensyonado ang araw na ito. Posibleng kailangan mong gumawa ng mahalagang desisyon.
Scorpio (Nov. 23-29) Sa kawalan ng desisyon, mistula kang nakatayo na lamang bagama’t lahat ng tren ay nakaalis na.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mistulang umuuga ang lupang iyong kinatatayuan ngayon bunsod ng iyong sitwasyon.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Sundin ang itinitibok ng puso at hindi ang itinitibok ng iyong wallet.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang iyong kakayahang makatugma sa lahat ng sitwasyon ay magagamit mo ngayon.
Pisces (March 11-April 18) Ang araw na ito ay magiging mahalaga. Maaaring mayroong mabuksan na oportunidad.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang mga pwersang inakala mong komplikado ay makatutulong pala.
ni Lady Dee