Monday , November 18 2024

Ang mga kuwestiyonableng epal ni Health ‘over’ acting Sec. Janette Garin

111914 doh garinHINDI natin alam kung bakit parang biglang pumutok ang pangalan ni Health acting secretary Janette Garin sa issue ng vaccine procurement probe at quarantine ng Pinoy peacekeepers mula West Africa sa Caballo Island.

Gusto ba niyang mag-grandstanding bilang preparasyon sa pagpapatuloy ng kanyang political career o gusto talaga niyang manungkulan bilang Gabinete ni PNoy?

Sa totoo lang, kung itutulak ni Garin ang vaccine procurement probe laban kina on-leave Secretary Ike Ona at Health Undersecretary Eric Ta-yag, hindi maiiwasang makalkal ang pagkakasabit niya sa Napoles fake NGOs na sinabing isa siya sa nagdala roon ng kanyang pondo noong siya ay congresswoman ng District 1 ng Iloilo (2004-2013).

Hindi pa nakaklaro ang pangalan ni Garin sa pagkakasabit niya sa Napoles pork barrel scam.

Kaya kapag inumpisahan niya ang imbestigasyon sa nasabing isyu tiyak na makakaladkad din ang kanyang pangalan.

Hindi natin sinasabi na huwag imbestigahan sina Ona at Tayag, pero bakit hindi hayaan na ‘yung Commission on Audit (COA) o Department of Justice – National Bureau Investigation (DoJ-NBI) ang mag-imbestiga?

Bakit kailangang si Garin pa ang bumuo ng probe team na mag-iim-bestiga sa vaccine purchase?

Ang suspetsa nga ng marami ‘e mukhang si Garin pa ang nagpaputok ng isyu laban kina Ona at Tayag.

Kahapon lang, ‘yung quarantine issue naman ng Pinoy peacekeepers ang ‘binidahan’ ni Garin.

Dapat daw i-quarantine ‘yung Pinoy peacekeepers kaya dadalhin sa isang isolated island sa Caballo Island sa Cavite City para masuri muna.

Mantakin niyong pumunta pa siya sa Caballo island kasama si AFP chief of staff, Gen. Gregorio Catapang ‘e akala ko ba kina-quarantine ‘yun mga sundalo!?

What the fact!?

Dadalhin pa umano raw n’ya roon ‘yung mga taga-media para makita raw ‘yung island na pinagdalhan sa Pinoy peacekeepers.

‘E ano ba talaga epal ‘este acting Secretary Garin?

Ayon sa ilang DoH insider, alam nilang malakas si Garin kay PNoy pero hindi nila akalain na ganoon kabilis ang magiging desisyon ng Palasyo na siya ang iupong acting secretary dahil mara-ming career official sa Department of Health (DOH) na mas deserving sa kanya.

Ang relasyon nina PNoy at Garin ay maiuugat sa kanilang political career sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahit magkaiba sila ng partido politikal.

Malakas din ang hibo ng pagiging ‘BALIM-BING’ ni Garin. Mula sa pagiging board member sa Romualdez country (Leyte) ‘e nagawa niyang lumangoy ‘este kumampay patungong Iloilo para maging congresswoman doon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak ni dating congressman Oscar Garin na si Richard.

Sa panahong iyon siya ay nakabandera sa partido politikal nina FVR at GMA – LAKAS KAMPI CMD.

Sa Kongreso ay naging kaalyado ni Garin si PNoy nang isulong nila ang Reproductive Health (RH) Bill. Kaya nang pinalad na maging Pangulo ang kaalyado, mabilis na nakasungkit ng pwesto sa DOH bilang undersecretary nitong Hulyo 2 (2014) lang.

Si Garin ay Medical Technology graduate sa Divine World University, Tacloban City at nag-doktor sa St. Luke’s College. Hindi lang natin alam kung lisensiyado at nagpraktis ba siya ng pagka-doktor.

Kaya marami ang nagtataka, sa loob ng tatlong buwan mula nang pumasok sa DOH si Garin, biglang nawindang ang karera nina Ona at Tayag.

Tsk tsk tsk… delikado palang kaalyado si Garin, kaiingat na lang kayo…

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *