HALOS perpektong nagaya ng isang ibon ang tunog ng Star Wars robot na si R2D2 ngunit hindi ito nagustuhan ng kanyang mga kapwa ibon. (ORANGE QUIRKY NEWS)
NAGING hit sa online ang video ng isang ibon na halos perpektong nagaya ang tunog ng Star Wars robot na si R2D2.
Umabot na sa halos 600,000 katao ang nakapanood sa video ng alagang ibon ni Carli Jeffrey na si Bluey sa YouTube.
Ayon kay Ms. Jeffrey, nagaya ni Bluey ang tunog ng beeps ng maliit na robot sa pamamagitan ng pagpaparinig sa ibon sa tunog nito sa pelikula.
Makaraan ang ilang araw, masayang ibinalita ng kanyang anak na babae na kasing tunog na ni R2D2 ang huni ng ibon.
“Bluey was our first budgie and our seven-year old daughter hand-raised him,” pahayag ni Ms. Jeffrey.
“He has always been a curious bird, he was really intrigued by our voices and the cockatoos we have in our garden – he even copied the noise the crested pigeons make when they take off.”
Aniya pa, masaya si Bluey sa paghuni ng laser sounds, sa R2D2 scream sounds, kissing sound, at madalas na bumubulong.
Ngunit ang ginagawang ito ni Bluey ay hindi nagustuhan ng kapwa niya mga ibon.
Dagdag ni Ms. Jeffrey, “He has two other budgies in his cage, and I think he’s driving them crazy too!” (ORANGE QUIRKY NEWS)