ni Timmy Basil
BALIK-KAPAMILYA si Agot Isidro sa Bagito at ang sabi niya, ang ABS-CBN naman daw talaga ang itinuturing niyang tahanan pero inamin ding nagkaroon siya ng mga kaibigan sa Kapuso Network.
Si Angel Aquino na gumanap bilang nanay ni Nash Aguas ay sinasabi na noong 14 pa siya ay doon pa lang siya nag-umpisang magkaroon ng mga kaibigan. Somehow, nakare-relate rin si Angel sa telesereye dahil 19 years old daw siya nang mabuntis.
Si Ariel Rivera naman na gumanap bilang step-dad ni Nash ay umaming ‘di pa niya alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang sex noong 14 years old pa lamang. Late-bloomer pala ang lolo ninyo. Sina
Agot, Angel, at Ariel ay sinasabing iba na raw talaga ngayon ang mga kabataan. Marami na raw kasing impluwensiya at isa na rito ang social media at internet.
Oo nga naman, kaya roon sa mga parents na may mga anak na teenagers at sa mga teenager na nagsisimula pa lang mag-explore, ang teleseryeng Bagito ay para sa inyo.
Kasama rin sa Bagito sina Paolo Santiago, Alex Diaz, Joaquin Reyes, John Bermundo, Gae Fernandez, at Brace Arquia.