Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Truck driver kalaboso sa nasagasaang ‘suicide’

101114 Prison EscapeDERETSO sa hoyo ang 42-anyos driver ng isang light and sound company nang masagasaan ng minamanehong truck ang lalaking tumalon sa isang footbridge sa Pasay City, kamakalawa ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Aguinaldo Bernardo Obrino, ng 72,  2nd St., NAIA Road, Barangaya Pildera II ng nasabing lungsod.

Habang nakapiit sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Roby Baldo Calinawan, kawani ng Beat Box, ng Brgy. Zapote 3, Las Piñas City, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Batay sa imbestigas-yon ni SPO1 Ricky Murillo, naganap ang insidente dakong 2:40 a.m. sa 2nd St., NAIA Road, Pildera II Pasay City.

Ayon sa pulisya, tumalon ang biktima mula sa footbridge ng MMDA at nang bumagsak ay nasagasaan ng truck.

Isinugod agad ang biktima ng rescue team sa naturang ospital ngunit hindi na umabot nang buhay sanhi nang matinding pinsala sa ulo.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …