Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trillanes nanatiling produktibo (Sa gitna ng imbestigasyon sa korupsiyon sa Makati)

111814 trillanesNANANATILI si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV bilang isa sa mga pinaka-produktibong senador ngayong Kongreso, sa kabila ng mga kritisismo ukol sa oras at atensyon na ginugugol sa pag-iim-bestiga sa maanomalyang pagpapatayo ng Makati carpark building.

Sa pinakahuling tala ng Senado, si Trillanes ay nangu-nguna (1st) sa pinakamara-ming panukalang batas na nai-sponsor sa plenaryo at pumapangatlo (3rd) naman sa may pinakamaraming naihain na panukalang batas, resolusyon at committee reports.

Ilan sa mga panukalang ini-hain ni Trillanes at naipasa na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang resolusyon na nagtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel, panukalang batas na nagtataas ng burial assistance sa pamilya ng mga beteranong sundalo, at panukalang batas na nagbabawal sa chemical weapons.

“Pinapasinungalingan lamang nito ang mga alegasyon na hindi namin nagagawa sa Senado ang aming mandato sa paggawa ng mga batas dahil sa imbestigasyon sa Makati carpark building. Sa katunayan, kasabay ng imbestigasyong ito ang iba pang pagdinig ng mga committee sa Senado ukol sa iba’t ibang isyu sa bansa, maliban pa sa aming regular na sesyon sa plenaryo kung saan namin tinatalakay ang mga panukalang isasabatas,” palinawag ni Trillanes.

Ani Trillanes: “Salungat sa mga paratang na ginagawa namin ang imbestigasyon sa overpriced Makati carpark building dahil sa politika, at hindi upang makapaghain ng mga panukalang batas, ako ay nagsumite na ng listahan ng mga panukala na nais kong itulak mula sa ating mga natuklasan sa imbestigasyon na ito. Ilan sa mga ito ang:

Pagtanggal ng sistema ng resident auditors sa mga tanggapan ng pamahalaan at pagpalit ng raffle system para sa peryodikong paglilipat ng assignment ng mga auditors nang sa gayon ay mapanatili ang kanilang independence at maiwasan ang kanilang pagkakasangkot sa mga kaso ng kuropsyon;

Pagsasama ng actual na sukat ng kabuuang floor area ng mga proyekto ng pamahalaan bilang bahagi ng ginagawa ng Commission in Audit;

Paggamit ng Davis Langdon and Seah (DLS) Construction Cost Handbook o iba pang batayan na gagamitin ng Department of Public Works and Highways (DPWH), COA, at ibang procu-ring agency, sa pagtantiya ng nararapat na halaga ng mga proyekto ng gobyerno;

Pagtatakda sa paggamit ng video recording sa lahat ng proseso ng procurement na nilalaman ng Senate Bill No. 477 o An Act Enhancing The Transparency Of The Procurement Process By Mandating The Video Recording Of All Procurement Related Conferences, Thereby Amending Republic Act Numbered 9184, Otherwise Known As Government Procurement Reform Act Of 2003, Prescribing Penalties For Violations Thereof, And For Other Related Purposes.

Simula nang maupo bilang senador, nakapaghain na si Trillanes ng 1,302 panukalang batas at resolusyon, 42 dito ay naisabatas na. Ilan sa mga ito ang AFP Modernization Law; Archipelagic Baselines Law; Universal Healthcare Law; Immediate Release of Retirement Benefits of Government Employees; Salary Standardization Law 3; PAG-IBIG Fund Law; Magna Carta for Disabled Persons; Expanded Senior Citizens Act; and Anti-Bullying Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …