Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Silang mga bagong ibibigin!

ni Cesar Pambid

111814 aces model

PANAHON na ng mga male hunk ng ACES model. Ang kanilang management ay nakatutok ngayon sa tatlo nilang male models. Hinog na raw ang tatlo at ready na sa laban sa entertainment world.

Kaya nga matapos ang maraming acting workshops, isasalang na si Joe Alejandro Cabungcal sa mga indie movie. Presently, naghahanap daw sila ng tamang vehicle para kay Joe na posibleng isali sa mga film festival gaya ng Cinemalaya at iba pa sa ibang bansa. Director Matt Navarro will direct Joe’s first indie movie at the right project comes along.

“Sana nga po simulan na namin, I am dying to render ‘yung maraming natutuhan ko, ready na po ako,”says Joe when asked to comment tungkol sa mga project niya.

Accidental model naman daw ang hunk na si Chad Malit. Sinamahan lang daw ang mga pinsan nito sa isang model search, sa halip siya ang napusuan ng ACES. Sa ngayon he is being co-managed at sa modeling sa mga fashion show sila nakatutok. Sa November 24, Chad will be in a big fashion event in no less than Smart-Araneta.

Pinakabago namang member ng ACES si Daniel Basalla Bato.

Experienced model na ito kaya ‘di na siya patumpik-tumpik pa. Alam na alam na niya ang kalakaran kung kaya natuto na siyang maging prangka and speaks his mind na walang halong kaplastikan. Napakaganda ng kanyang vision, pangunahin na rito ‘yung gusto raw niya ang kanyang ginagawa at ‘yun ang nagbibigay ng kaligayahan sa kanya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …

Dr Michael Raymond Apacible Aragon Salome Salvi Tiyo Bri

Adult content creater Salome Salvi idinemanda ng KSMBPI 

I-FLEXni Jun Nardo NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator …

Bong Suntay Anne Curtis

Bong Suntay kinondena ng AKTOR sa pambabastos kay Anne Curtis 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KINONDENA at hindi pimalampas ng League of Filipino Actors (AKTOR) ang pambabastos ni …

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …