ni R. Carrasco
IRITANG-IRITA ang isang PA (production assistant) sa
isang sikat na aktres na nakatrabaho niya sa isang out-of-town event.
Tsika ng PA, nasa banyo siya’t nagbabawas pero walang tigil sa kakakatok ang aktres.
When it was the actress’s turn to go inside the toilet, panay Daw ang sigaw nito (dinig ng iba pa nilang mga kasama) na ang bahO-baho raw ng dumi ng PA. Hindi pa nakuntento, lumapit pa raw ang aktres sa ibang grupo para ipagsigawang umaalingasaw ang paligid dahil sa ebak ng PA.
Hindi na lang kumibo ang hiyang-hiyang PA, pero gusto niyang resbakan ang aktres, ”Bakit, mabango ba Ang tae mo?!”
Itago na lang natin ang aktres sa alyas na Mary Ann de Vera.