MUKHANG hindi rin talaga tumagos sa Philippine National Police (PNP) ang ‘daang matuwid’ ni PNoy.
Ito ang isang example na hindi na na-absorb ng PNP ang daang matuwid —
Sa PNP-Southern Police District (SPD), take note District Director, Gen. Henry Rañola, isang pulis sa Parañaque ang kilalang-kilalang kinsenas-katapusan (15-30) kung pumasok — ‘yan daw si alias S-PO-TRES CHARLIE BOY.
Ibig sabihin, susuweldo lang para maihatag sa kung sinong opisyal ang hinahatagan niya ng porsiyento.
Pero ayon sa ating mga impormante, kaya umano 15-30 kung pumasok si SPO3 Charlie dahil siya ay “KOLEK-TONG AT LARGE” sa lahat ng vices sa Parañaque City.
Ang ibig sabihin umano ng kolek-tong at large ‘e ‘yung namamahala sa koleksiyon mula sa 1602 at video karera, mga KTV bar at entertainment clubs na mayroong iba’t ibang putahe ng kalaswaan at iba pang kailegalan sa area of responsibility (AOR) ng Parañaque.
Siya rin ang itinuturong ‘tongpats’ ng Jueteng queen sa South Metro na si alias Joy Rodriguez!
Kumbaga, limpak na kuwarta ang inihahatag ni SPO3 Charlie boy sa kabang yaman ng kanyang bossing kaya okey lang na ang pasok niya ay 15-30.
Desmayado na umano ang mga kasamahang pulis ni SPO3 Charlie. Akala nga nila noong una ‘e wala na siya sa AOR ng Parañaque pero hanggang ngayon ay nasa payroll pa pala.
Sonabagan!!!
Aba, Parañaque chief of police (COP) Sr. Supt. Ariel Andrade, bakit nakalulusot ang ganyang kostumbre or shall we say ‘raket’ sa AOR ninyo?!
‘E wala na rin pagkakaiba ‘yan sa mga ‘ghost employees.’ Panay ang sweldo pero hindi pumapasok at kolektong lang?!
Palagay natin ‘e dapt na rin busisiin ng Commission on Audit (COA) ang payroll ng mga lespu at magkaroon ng ocular visit para matiyak kung ang mga pulis na nasa payroll ay talagang pumapasok at nagtatrabaho.
Aba ‘e anong masasabi ninyo sa ganitong sistema NCRPO chief, Director Carmelo Valmoria?!
SPD director, Gen. Rañola Sir, naitanong na ba ninyo kay Kernel Andrade kung bakit pinapayagan niyang 15-30 lang kung pumasok si alias S-PO-TRES Charlie?!
Pakisagot lang po!