Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash at Alexa, mas na-excite sa Bagito dahil mas heavy at may lesson ang istorya

 ni Roldan Castro

111414 alexa  nash082914 nash alexa

AMINADO sina Nash Aguas at Alexa Ilacad na crush nila ang isa’t isa pero ini-enjoy lang nila ‘pag nagsasama sila. Mga bata pa raw sila kaya bawal pa na magligawan at maging magka-steady.

Pero mukhang willing si Nash na hintayin si Alexa at umiwas sa mga tukso.

“Hindi naman kasi ko ‘yung maano… kung sino lang ‘yung kasundo ko personally, hindi ako ‘yung ‘pag may bagong kakilala, kakausapin ko na. Hindi ako maganoon. Hindi rin ako ma-text, so, walang posibilidad na makakilala pa ako ng iba,” sey ni Nash nang makatsikahan namin sa set visit ng youth oriented show nilang Luv U na napapanod every Sunday after ASAP 19.

Ano naman ang feeling na bida na sila ni Alexa sa isang serye entitled Bagito na nagsimula na kahapon, Lunes, sa ABS-CBN 2 bago mag-TV Patrol? Na-shelved ang original plan na Inday Bote na siyang dapat gagawin nila.

“Natuwa po kami kasi noong i-present ‘yung ‘Inday Bote’, more on ‘Wansapanataym” siya, eh! Magic-magic ganyan. Noong hindi matuloy ay ipinakita ang ‘Bagito’, mas natuwa po kami kasi more on forte namin ni Alexa. More on drama. Mas heavy at may lesson ‘yung istorya,” reaksiyon niya.

Hindi ba siya nate-tense na test ito kung kaya na ba nilang magdala ng serye o hindi pa?

“Nate-tense rin . Actually, sa lahat po kasi ng ginagawa ko, iniisip ko kung make it or break it. Parang at the same time, hindi bago sa akin na ganoon ang feeling..lagi akong kabado sa lahat ng ginagawa ko. Siguro ang ikinaiba lang nito, sobrang bago ‘yung character at saka ‘yung concept,” sey pa niya.

Anyway, kahalagahan ng wastong paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak ang ibabahagi sa viewers ng Kapamilya teen stars na sina Nash at Alexa sa pamamagitan ng kanilang kauna-unahang primetime teleserye sa ABS-CBN.

Ang Bagito, na hango sa Wattpad series na isinulat ni Noreen Capili, ay iikot sa kuwento ni Drew (Nash), isang binatilyo na maagang haharapin ang responsibilidad ng pagiging isang ama dahil sa isang malaking pagkakamali.

Bukod kina Nash at Alexa bahagi rin ng powerhouse cast ng Bagito ang Kapamilya teen star na si Ella Cruz at ang mga batikang artista na sina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino. Kasama rin sina Paolo Santiago, Alex Diaz, at ang mga miyembro ng sumisikat na boy group na Gimme 5 na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquia. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Onat Diaz at Jojo Saguin.

Ang Bagito ay sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television. Ang bagong teleserye na ito ay magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan na mapapanood bago mag TV Patrol sa ABS-CBN Primetime.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …