Tuesday , December 24 2024

Jericho Rosales, nagmumura sa Red

ni Cesar Pambid

 

INSPIRED daw sa mga real life event ang pelikulang Red. Pero ‘di naman daw ito true story.

Bida si Jericho Rosales sa movie at nasabi nitong kung ilang beses siyang nagmura. Ayon sa director nito kailangan daw sa story ‘yung pagmumura.

“Artista si Echo, eh. It’s really just a role,” rason ng director.

Inspired daw ang movie ng real events at hindi ito true story.

Si Jericho naman ay nagbigay ng pahayag tungkol dito.

“Sa side na ’yon sa faith, being a Christian naman, I’m not here to preach but to be an example. But as an actor, kailangan ng real stories eh. Eh, si Red (character niya sa movie), medyo parang fictional. Maraming reality doon sa story like nagmamahal siya, gumagawa siya ng maraming mali, then ’yung ending ng story is a typical risk kung anong klase ng buhay mo.

“So this is a perfect story for a perfect victim and for the perfect viewer who’s looking for an answers and certain solutions. So I said perfect film. Ang point lang doon, gusto kong mag-action!” katwiran ni Echo.

Napapayag siyang magmura sa movie gaya ng mga action star sa kanilang action scenes?

“May mura-mura rin! Ha! Ha! Ha! Nag-usap kami ni Jay. Pero nag-usap kami na huwag nating gawin ’yon. Gumawa tayo ng iba na mahi-hit ’yung intensity na gusto namin and not that. Pero may mura sa eksena. Ako? Mayroon din! Si Red ’yon at hindi ako,” paliwanag niya.

Ipapanood ba niya sa asawa niyang si Kim ang movie?

“Actually, naka-book na ’yung seat niya sa theater sa premiere! Ha! Ha! Ha!’ sakay naman ni Echo.

Noong November 9 nagsimula ang showing ng 10 films na kasama sa Cinema One Originals na mapapanood sa Fairview Terraces, Glorietta, Trinoma at Greenhills Dolby Atmos. Bukod sa Red atEsprit de Corps, ang ilan pang kalahok ay ang Violator nina Victor Neri at Direk Joel Lamangan; This Thing Called Tadhana nina Angelica Panganiban at JM de Guzman; Soap Opera nina Lovi Poe at Rocco Nacino; Lorna ni Shamaine Buencamino at iba pa.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *