ni Cesar Pambid
SIMPLE lang at walang kalandi-landi nang
humarap sa ilang press si Isabelle De Leon sa pocket interview ng kanyang Wattpad Presents one week series na Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang). Taliwas ang kanyang personality sa tunay na buhay at role na ginagampanan sa serye.
Nang tanungin nga kung malandi siya sa tunay na buhay, halata ang pamumula at hiya ni Isabelle na sumagot na sa true life raw isa siyang mahinhin at talagang likas ang pagkamahiyain.
“Iba po talaga sa role ko bilang Pipay, malandi po ako, kung ano ang ginawa ko sa buhay para lang mapansin ng lalaking gusto ko,” sabi pa niya. ”Role lang naman po ‘yun at feeling ko talaga ako si Pipay kapag nakaharap ako sa kamera.
“Pero sa totoong buhay po, ‘di ko po magagawa ‘yun,” sabi pa niya.
Kasama ni Isabelle sa serye sina Edgar Allan, Guzman, Ken Anderson, Nathalie Hart, at Eunice Lagunsad.