Saturday , December 28 2024

Huwag mo kong “sindakin”power-tripper na Immigration Officer!

111814 aldwin pascuaMATAPOS nating ilabas sa ating kolum ang “power-tripping” ng isang Immigration Officer (IO) na nakatalaga d’yan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, laban sa isang halal ng bayan na Congressman, aba ‘e nagpuputok daw ang butse ni IO at nagbabanta pa na idedemanda pa raw ako ng libelo.

Hik hik hik…sumakit tuloy ang tiyan ko sa kakatawa  sa ‘yo ‘bata!

Kailan pa nagkaroon ng puri at dangal ang isang Immigration officer na siya mismong nagbabalewala sa BI CARES program ni Immigration Commissioner Siegfred Mison dahil sa kabastusan at arogansya?

Nagdududa tayo kung naiintindihan ba talaga nitong si IO Aldwin Pascua ang Republic Act 6713  o ‘yung Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Mantakin ninyong ang naging biktima pa ng kaarogantehan nitong si IO power-tripper ay isang low profile na Cavite congressman na hindi gumamit ng liaison officer para alalayan siya sa kanyang trip patungong China.

Palibhasa nga ay simpleng tao at walang garbo sa katawan si Congressman, kaya hindi siya sanay na mayroong liaison officer o alalay na kasama habang nakapila sa Departure Area.

Lumampas lang sa yellow line si congressman, hayun nakatikim na ng bulyaw kay IO power-tripper.

‘E ‘di umatras naman ‘yung ‘pobreng’ congressman. Aba ‘e sinundan pa ni power-tripper, “Bingi ka yata!”

BI Comm. Fred Mison, mantakin ninyong isang congressman ‘e nabu-bully ng isang power-tripper na Immigration officer, paano na kung isang simpleng mamamayan lang o kaya overseas Filipino worker na nag-aakyat ng limpak-limpak na dolyares sa kabang-yaman ng bansa?

Baka higit pa sa ginawa ni IO power-tripper kay congressman kapag isang pangkaraniwang mamamayan lang ang tumapat sa counter n’ya!?

O Immigration officer power-tripper, ganyan ba talaga kalala ang kagaspangan ng ugali mo?

Masyado ka nang sumisikat  diyan sa airport bata!

Sorry IO power-tripper, pero huwag mo ka-ming sindakin… sanay tayo sa libel (harrasment) case.

It’s part of our job!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *