Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo, inaming naging crush din si Jolina

ni Rommel Placente

111814 carlo aquino jolina magdangal

AMINADO si Carlo Aquino na may pressure siyang nararamdaman na bahagi siya ng bagong serye ng ABS-CBN 2 na Flordeliza na makakatrabaho niya ang dating loveteam na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

“Siyempre greatful l kasi after ‘Annaliza’, March ‘yun natapos. Ito naman ako sa ‘Flordeliza’ lahat ng ‘liza’ gagawin ko na. Siyempre mayroong pressure but ayon pressure is good ‘di ba kasama talaga ‘yan sa trabaho na nape-pressure ka na-i-stress ka pero ini-enjoy ko kasi kasama ko nga sina Jolina at Marvin,” sabi ni Carlo.

Natutuwa si Carlo na kasama niya sa nasabing serye si Jolina. Crush niya kasi ito noong bata pa siya.

“Alam niya ‘yun matagal na. Mga 13 years old pa ako pero crush lang naman, ano ba naman ‘yun,” sambit pa ni Carlo.

Crush ni Carlo si Jolina dahil bukod sa maganda ay natutuwa siya rito. “Ang ganda niyang tingnan sa screen tapos ‘yung humor niya, nakakatawa kasi siya.”

Kung balik-tambalan sina Jolina at Marvin, open din ba siya na makatrabaho ulit ang dating ka-loveteam at girlfriend na si Angelica Panganiban?

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Carlo.

“Sobrang magkaibigan kami ni Angel. Nakapag ‘MMK (Maalaala Mo Kaya)’ na kami so, sana hopefully next year kung mabibigyan ng chance gagawin ko talaga.”

Anong klaseng show ang gusto niyang pagsamahan ulit nila ni Angel?

“Dramedy (drama-comedy) para iba naman kasi usually pag nag-‘MMK’ kami drama-drama mas maganda kung medyo light.”

Nagpapasalamat si Carlo sa ABS-CBN 2 dahil tinanggap siya ulit nito pagkatapos niyang iwan at lumipat sa GMA 7.

“Nabakante ako ng six or seven months pero nag-‘MMK’ ako, nag-‘Ipaglaban Mo’ ako. Sobrang grateful sa ABS(CBN) kasi tinanggap nila ako ulit.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …