Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career ni Cristine, tiyak na lalamlam (Sa pag-amin na buntis)

ni Rommel Placente

080414 Cristine Reyes

WALA nang nagulat nang aminin ni Cristine Reyes sa ASAP 19 noong Linggo na buntis siya courtesy of her foreigner boyfriend. Paano naman, alam na naman ng lahat na talagang nagdagalantao siya pero hindi nga lang niya maamin.

At least ngayon, kinompirma niya na talagang buntis siya. Alam naman din siguro niya na mabibisto at mabibisto rin ang tunay na kalagayan niya kaya inamin na nga lang niya ang baby sa kanyang sinapupunan.

‘Pag nanganak na siya, tiyak lalamlam na ang career niya. Kilala naman kasi siyang sexy star, ‘di ba? Paano pa siyang tatangkilikin ng mga tagahanga niyang lalaki kung ganyang nanay na siya? Sinayang lang ni Cristine ang magandang takbo ng kanyang career.

Sa kabilang banda, hanga kami kay Cristine sa lakas ng loob niya na aminin na buntis nga siya kahit alam niyang makaaapekto ‘yun sa kanyang career. At least, pinanindigan niya ang pagbubuntis niya, hindi niya ‘yun itinago. Hindi katulad ng ibang mga aktres na nang mabutis ay ipinalaglag.

‘Yung iba naman, nagpunta pa sa ibang bansa para roon manganak para hindi malaman na nabuntis sila, ‘di ba?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …