Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby ini-hostage ng adik na daddy

111814 clover inn hostageARESTADO ang isang  adik na ama makaraan tangayin at i-hostage ang sariling anak sa loob ng isang motel sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Romeo Arranquez, 26, ng 328 PNR Compound, Brgy. 73 ng nasa-bing lungsod, nahaharap sa kasong serious illegal detention dahil sa pagtangay sa kanyang dalawang-buwan gulang sanggol na lalaki.

Nauna rito, naaresto na ang suspek ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ngunit nakapuslit at nakuha ang anak lingid sa kanyang kinakasama na si Analyn Valencia dakong 8 p.m.

Pagkaraan ay nakatanggap ng text message si Valencia mula sa suspek at pinapupunta siya sa Clover Inn motel sa Bagong Barrio  kung gusto pa niyang makitang buhay ang sanggol kaya mabilis na nakipag-ugnayan sa pulisya ang ginang.

Ayon sa pulisya, noong una ay ayaw ibigay ng suspek ang sanggol at nagbantang may masamang mangyayari kapag nagpumilit pumasok sa kwarto ang mga awtoridad.

Dakong 4 a.m. ay napasok ng mga awtoridad ang kwarto at nakuha sa suspek ang sanggol.

Sinabi ng suspek na tinangay niya ang sanggol dahil gusto niyang makipagbalikan sa kanyang kinakasama.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …