LEGAZPI CITY – Bagsak sa kulungan ang isang pamilya sa lalawigan ng Catanduanes makaraan salakayin ng mga awtoridad ang kanilang bahay dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.
Kinilala ang mga suspek na sina Reciel “Butch” de Jesus Molina, Rene Molina Sr., Marijun de Jesus Molina, Rene Molina Jr., Katrina Ciara Crucillo, Jocel Molina Esquienda, Jay Runas Romero, at isang menor de edad na kasapi ng pamilya.
Nahuli sila sa isinagawang anti-illegal drug raid ng mga tauhan ng Virac Municipal Police Station at Catanduanes Police Public Safety Company sa kanilang bahay sa Brgy. Gogon Centro, bayan ng Virac.
Narekober sa posisyon ng mga suspek ang 28 sachet ng shabu, aluminum foil at strips, handgun replica, tatlong cellphone, M-16 ammunition at iba pang mga gamit sa pagdodroga.
Ayon sa pulisya, matagal nang minamanmanan ang pamilya Molina dahil sa mga impormasyon kaugnay ng illegal na aktibidad.