Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 nurse todas sa SUV ni Asistio

111814 suv accidentPATAY ang tatlong nurse na sakay ng isang auxillary utility vehicle (AUV) nang madaganan ng lumipad na sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang Asistio scion sa C-5 Ortigas Flyover sa Pasig City, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na nurse na pawang pasahero ng AUV na sina Lyn Pascua, Rose Ann Ocuendo at Janine Ray Manzanida.

Sugatan ang driver ng SUV, may plakang KEX 246, na si Luis Asistio III at ang driver ng AUV na isang Ryan Lester Yadao gayon din ang dalawa pang pasahero na sina Jacklyn Mae Terado at Bubbles Lapuos.

Sa imbestigasyon, nabatid na nasa southbound ang SUV (KEX 246) na minamanaeho ni Asistio nang araruhin nito ang plantbox sa center island ng flyover.

Sa lakas ng pagkakabangga, lumipad ito kaya natapyas ang bubong ng kasalubong (northbound) na AUV na minamaneho ni Yadao, kasama ang limang nurse.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang AUV at sumampa sa center island habang bumaligtad ang SUV ni Assistio.

Ayon kay Andy Undecimo ng Brgy. Ugong Rescue, amoy alcohol ang loob ng SUV at may nakitang bote ng alak dito.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …