Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rox Tattoo (Part 16)

00 rox tatto

BIGO SA UNANG PAG-AABANG SI ROX PERO HINDI SIYA SUMUKO HANGGANG…

Pero hanggang sa matapos ang pagpapamasahe ni Jakol ay ‘di niya namataan man lang ang pagpasok o paglabas doon ni Daday.

“Am’bilis mo naman…” aniya sa kasamang ka-buddy.

“Nauna ka sa akin dito, e… Mas mabilis ka,” ang tawa nito.

Inihatid niya si Jakol sa pag-uwi. Sa Moriones niya ibinaba ito. Naghiwalay sila nito na masama ang loob sa pagkadesmaya. Gulong-gulo pa rin ang isip niya kung paano matatagpuan si Daday. Pero ano’t anoman ang mangyari ay hinding-hindi siya susuko sa paghahanap sa babaing pinakamamahal.

Sa minsang pakikipagkuwentuhan ni Rox sa sekyu ng sauna parlor ay napag-alaman niyang bukas nang beinte kuwatro oras ang establisimyentong iyon. Karamihan daw sa mga masahista ay stay-in doon. Bihira lang umano sa mga kababaihan niyon ang nag-uuwian.

Nang gabing iyon ay mas inagahan niya ang pagpunta sa sauna parlor. Mag-isa si-yang nagpunta roon para walang maka-gambala sa kanyang oras. Pasado ala-sais pa lang ng gabi noon. Pinostehan niya sa parking lot ng establismyento ang paghihintay kay Daday sa loob ng kanyang kotse.

Pamaya-maya ay huminto sa tapat ng entrance ng sauna parlor ang isang taksi. Nagsosolo ang babaing umibis ng sasakyan. Si Daday! Eleganteng-elegante ang kagandahan nito sa kasuotang kulay pulang bestida na pinatungan ng itim na blazer. Nagdudumali ito sa paglalakad.

“Dadayyy!” ang isinigaw niya sa bintana ng kanyang sasakyan.

Pero hindi siya narinig ni Daday. Mabilis niyang nabuksan ang pinto ng kanyang kotse at agad-agad itong hinabol. Pinigilan niya ang isang kamay nito nang abutan sa bungad ng pasukan ng gusali. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …