Friday , November 15 2024

Probe vs RAC sa Maynila iniutos ng DSWD (Sa ulat na malnutrition)

111714 RAC MANILAPAIIMBESTIGAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kondisyon sa Reception and Action Center (RAC) sa Maynila makaraan kumalat sa social media ang retrato ng isang sobrang malnourished na hubo’t hubad na batang lalaki sa loob ng pasi-lidad.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., isang fact-finding team ang binuo at inatasan ni DSWD Secretary Corazon Soliman para alamin ang kondis-yon sa RAC.

“I will order a fact-finding team to look at the conditions in the Manila Reception Center. We can provide technical assistance to the City of Manila Social Welfare and Development Office,” sabi ni Soliman sa text message kay Coloma hinggil sa usapin.

Ang RAC ay nasa ilalim ng pamamahala ni Manila Social Welfare Department (MSWD) chief Shiela Marie Lacuna-Pangan.

Ayon kay Coloma, nakahandang tumulong ang pambansang pamahalaan sa pamahalaan ng Lungsod ng Maynila upang pabutihin ang mga kondisyon sa Manila Reception Center.

Noong Oktubre 3 ay inilathala ng non-government organization na Bahay Tuluyan ang larawan ng isang sobrang payat, maysakit na batang lalaki na walang saplot at nakahiga sa sementadong sahig ng RAC.

Umani nang pagbatikos sa netizens ang naturang larawan dahil mistulang “concentration camp” na pamamalakad sa RAC imbes maging kanlungan para mapa-ngalagaan at maituwid ang landas ng street children sa lungsod.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *