Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret Ko: Nainitan sa jacket pero ayaw alisin

Gud pm Señor,00 Panaginip

S panaginip q, nagpepray dw aq, tas napncn q na mainit, kse nakajacket dw pla aq ung color brown, peo ayaw q nman dw alisin, tas yung iba d q matndaan dhil medio mgulo dn po e, yun n lng po pakiintrprt nio s akin, slamat sir, kol me Ruben ng pandacn wag nyo na popost cell no. q po

To Ruben,

Ang panaginip na nagdarasal ay may kaugnayan sa respect, sincerity, at humility. Ikaw ay naghahanap ng tulong mula sa mas mataas na pinanggagalingan. Nagsasabi rin ito na humihingi ka ng patnubay dahil pakiwari mo ay nawawalan ka na ng pag-asa. Nagsasabi rin ito na kailangang iwaksi ang mga alalahanin sa buhay at alisin na o tapusin na ang mga lumang problema. Maaari rin namang paalala ito na dapat na mas dagdagan ang pagdarasal at pananalig. Maaari rin namang ito ay isang paalalang patudyo, na nagsasabing baka nanlalamang ka sa iba o kaya naman, ikaw ang nilalamangan o pinagsasamantalahan ng iba.

Ang panaginip naman ukol sa jacket ay nagre-represent sa image na gusto mong ipakita sa mga tao. Alternatively, ito ay sagisag din ng iyong pagkatao na protective and defensive. Nagpapakita rin ito ng katangiang itinatago mo ang iyong tunay na damdamin, kaya ang resulta ay naa-isolate mo ang iyong sarili sa iba.

Ang kulay na brown naman ay nagsasaad ng worldliness, practicality, domestic bliss, physical comfort, conservatism, and a materialistic character. Ang brown ay nagre-represent din ng ground and earth na maaaring nagpapahiwatig ng pangangailangang magbalik ka sa iyong roots.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …